Ang daming nata-trap sa maling tao. Akala kasi nila yung “kilalanin mo” ay alamin mo lang ang paboritong ulam nya, anong hilig nyang sports, yung makapunta ng sampung beses sa bahay nya, o kapag alam mo na ang amoy ng utot nya.

Dapat alamin mo rin kung anong issues nya, kaya ba nyang gamutin ang sarili nya? Kaya mo bang matulungan sya? Pag may problema, paano sya mag-cope, naglalasing ba o naghahanap ng solusyon? Pag nag-aaway kayo, may tendency ba syang maging bayolente? Pag nadadapa, gaano kabilis sya bumangon? Anong ugali yung nakalakihan lang nya, at ano naman yung pinili nya talaga? Kapag nagso-sorry sya, ibig sabihin ba nun di na nya uulitin, o mga sampung beses na lang? Kapantay ba ang tingin nya sayo, o mas mababa, baka naman din mas mataas? Dapat pantay lang.

Kapag kilala mo na, tsaka tanungin ang sarili, “Gusto ko ba? Yung di ko gusto, kaya ko ba?”

Aralin muna nang mabuti para hindi ma-trap.